Alisson Shore - Hinuha

Handa ka na bang lakbayin ang mga imposible
Pahiram ng sandali nakakapit sa sambit mong uyayi
Hindi mapakali bakit hindi 'to madali
Wala namang katibayan na natanggap
Ngiti mo lang nagsabi saking totoo ang lahat
Hindi pala sayo nahanap
Hindi ko alam

Pinagtanto tayo sa simula ng libro
Ngunit di rin tayo umabot sa dulo ng ating kwento
Ang isang katulad mo puno ng misteryo ang iyong pagkatao (yung sana sigurado)
Makakauwi ako sa tahanan ko sa yakap at lambing mo (hindi pabago bago)
Nakakalumbay isipin baka lang sa takip silim
Ang iyong yakap ay iniisip at hindi na matandaan ang higpit

Dito ka muna maari sigurado ka na ba sa'yong pagalis
Parang may pinapahiwatig
Bawat binitawang salita hindi na mababawi
Pilit kumakapit sa pahiwatig ako ba'y para sayo

O lahat di totoo
Di naba kailangan ulit ulitin sayo na ako ay sayo lamang
Di na ba matandaan ang pag-ibig kong itoy'y walang hanggang
Ang pag-ibig mo ba ay hinuha lang

Bakit kapa bumalik kung aalis ka lang ulit
Nagugulumihan ang isip nakikita sa panaginip
Bawat letrang narinig ang kahulugan nga ba'y pag-ibig
Kailan ba matatahimik

Nakakalumbay isipin baka lang sa takip silim
Ang iyong yakap ay iniisip at di na matandaan ang higpit
Sigurado ka na ba sa'yong pagalis parang may pinapahiwatig
Bawat binitawang salita hindi na mababawi
Pilit kumakapit sa pahiwatig ako ba'y para sayo

O lahat di totoo
Di naba kailangan ulit ulitin sayo na ako ay sayo lamang
Di na ba matandaan ang pagibig kong itoy'y walang hanggang
Ang pagibig mo ba ay hinuha lang

Di na aasa pa
Sa salita
Di na aasa pa
Sa salita

Written by:
EMMANUEL SAMBAYAN

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

Alisson Shore

Alisson Shore

View Profile