R1CK - Out of Zone

Gusto ko nang umuwi pagod nang maging matapang
Kung pwede lang sanang magpahinga ng magdamagan
Kaso 'di na lang ulit tsaka na babalik
Marami pang kailangang ipanalong mga laban
Balang araw papalarin yeah
Alam kong darating 'yan sa'kin uhmm
Layo na rin pala natin 'di ko rin akalaing
Dito ako dadalhin ng aking pagiging malikhain yeah

I'm gonna lie kung sasabihin 'kong manhid na sa lahat
Madalas naka ngiti ngunit damdamin ay wasak
Kung susumahin ang mali ko baka 'di na sasapat
Ang salitang 'patawad' malamang 'di nyo na 'ko matanggap
Kaylangang bumawi't nais maitawid pa sapagkat
Yokong biguin yung mga sumugal sa'kin nung una
Sa mga naniwalang balang araw aangat
Asahan nyong sa pag-uwi ko'y tagumpay ay makukuha
Paumanhin kung bakit kinailangang magpakalayo
Kailangan kong gawin 'to upang sarili'y mapalago
Darating ang araw na lahat mag iiba
Kaya kailangan kong matutong mamuhay ng mag isa
Kaya naging positibo sa mga oras na mahina
Sa sariling emosyon ay hindi nagpaka-alila
Aminadong puso't isip ay minsan na ding nasira
Ngunit pilit mang pigilin ay 'di dapat ipakita na

Gusto ko nang umuwi pagod nang maging matapang
Kung pwede lang sanang magpahinga ng magdamagan
Kaso 'di na lang ulit tsaka na babalik
Marami pang kailangang ipanalong mga laban
Balang araw papalarin yeah
Alam kong darating 'yan sa'kin uhmm
Layo na rin pala natin 'di ko rin akalaing
Dito ako dadalhin ng aking pagiging malikhain yeah

Bilang na lang sa daliri yung mga natira
Ngunit hindi ko masisisi kung bakit nag-iba
Gusto ko man kayong kasama tipong hanggang dulo sana
Pero kaylangang mapagana 'to ng ako lang mag-isa
Tanging magagawa na lamang magpatuloy kakahanap
Kung san nga ba ang daanan patungo sa'king pangarap
Kahit tila madalang ang saya na makayakap
Alam 'kong may hangganan din lahat ng pagka-wasak
Yeah sa pag gagala-gala ko na napansin
Sa daming nais puntahan 'kawalan' ang narating
Lasing sa kalungkutan at madalas na ma-praning
Oh teka parang 'di naman 'to yung gusto kong maging
Na laging hanap sa amat ang gusto na madama
Saya na minsan mo lang makikita sa'king mata
Pero ang puso nagdikta sa'kin magpatuloy ka pa
Malayo ka pa pero sa dati ay malayo ka na

Gusto ko nang umuwi pagod nang maging matapang
Kung pwede lang sanang magpahinga ng magdamagan
Kaso 'di na lang ulit tsaka na babalik
Marami pang kailangang ipanalong mga laban
Balang araw papalarin yeah
Alam kong darating 'yan sa'kin uhmm
Layo na rin pala natin 'di ko rin akalaing
Dito ako dadalhin ng aking pagiging malikhain yeah

Gusto ko nang umuwi pagod nang maging matapang
Kung pwede lang sanang magpahinga ng magdamagan
Kaso 'di na lang ulit tsaka na babalik
Marami pang kailangang ipanalong mga laban
Balang araw papalarin yeah
Alam kong darating 'yan sa'kin uhmm
Layo na rin pala natin 'di ko rin akalaing
Dito ako dadalhin ng aking pagiging malikhain yeah

Written by:
Rick Flores

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find