KrT - Alpas (V2)

Samutsaring emosyon ang aking nararamdaman
Dito sa ating relasyong tila nagkakalabuan na
Sagutin kung aayusin pa
Kase mukhang ako nalang naman ang lumalaban mag-isa
Anong nangyare sating dalawa
Tila ihip ng hangin ay biglaang nag-iba
Wala na kong masabi
Kung dito magtatapos ang ating biyahe
Mas maigi kesa na ipilit ko kase masasaktan lang

At kahit anong gawin ay ganun lang din naman ang kalalabasan
Mas maiging putulin nalang ang ugnayan
Kesa naman pareho pa tayong masaktan
Dahil pagod na ko at sagad na sagad ang nais ko lang ay kumawala
Mula sa pagkakahigpit hindi na rin sapat ang yakap at halik
At kahit anong kapalit hinding hindi na ko babalik

Ayoko rin naman gawin kaso kung kinakailangan
Kang bitawan upang ang sarili ay maginhawaan
Sawa na rin akong sarili ko ay pabayaan
Ikaw lagi inuuna at isinasalang alang
Wag na wag mong iisipin na galit ako sayo
Sadyang ayoko na lang talaga ng ganitong sistema
Mahal kita pero kung laging ganto ang eksena
Pipiliin ko nalang na kumalas sa may kadena

At kahit anong gawin ay ganun lang din naman ang kalalabasan
Mas maiging putulin nalang ang ugnayan
Kesa naman pareho pa tayong masaktan
Dahil pagod na ko at sagad na sagad ang nais ko lang ay kumawala
Mula sa pagkakahigpit hindi na rin sapat ang yakap at halik
At kahit anong kapalit hinding hindi na ko babalik

Written by:
Vijay Kurt Mamaed

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find