KrT - Fantasma

Sabi ng isip ko
Sabi ng isip ko
Sabi ng-, Sabi ng-
Sabi ng isip ko
Sabi ng isip ko
Mula pa kanina hanggang alas kwatro
Ako nakamulat tunganga sa kwarto
Ang dami kong bagay na nasa isipan
HIndi maalis parang stuck na litrato
Imahe malinaw at di siya malabo
Ayaw maniwala e kaso ang klaro
Akala ko dream kaso gising ako sobrang awake
Ano nga ba? 'di ko sigurado
Bigla siyang lumapit nagdalawang isip ako't umatras
Diretso ang lakad niya papunta sakin na para bang car walang brake puro gas
Ang bagal ng usad ang kaso lang 'la na kong matakbuhan
Sagad na atras ko sa may likuran
Sabi ko 'te sandali lang e sino ka ba at wala ka bang mauwian
Sabi niya sakin
Baby, I think you are going insane
Di ko alam ano bang nangyayare sayo magmula nun it ain't just the same
Sana naman bumalik na sa dati lahat i'll restart it if it's just a game
Kase hindi, lahat ay totoo i'll just need to get used in this pain
Sabi ko la?
'Nong pinagsasabi ne'to, mukha pang ako yung baliw
Mag-isa lang ako dito biglang lumitaw ka lakas mo namang mang-aliw
E teka saan ka kase talaga nagmula at ako ay naguguluhan
'Di ko alam kung paano ka ba nakapasok at saka saan dumaan
Tapos bigla siyang yumakap sakin, sobrang higpit
Ramdam ko yung init ng bibig niya sa noo ko pagkahalik
Medyo pamilyar nga e pero, di ko nalang pinahalata
Sa pisngi tumulo yung luha sa gedli
Tapos magdamag kami na nagsenti
Sabi niya sakin sana maalala ko siya at nangyare noong 2020
Sabi ko ha? Ilang taon na lumipas ngayon nga lang kita nakita
Ihiniga kanyang ulo ramdam kong basa yung mukha niya saking mga hita
Biglang nanayo balahibo ko sa likuran nanlamig ang buong katawan
Simoy ng hangin nagbago biglang naging klaro yung dating gulo nagkaliwanagan
Sng mga pangyayare aking naalala unti-unting binalikan
Hanggang sa kaulaunan ay mapagtagpi, napagtanto ko na ano bang dahilan
Ilang taon na pala nakalipas noong insidenteng yun ay naganap
Ganda ng biyahe nating dalawa tas biglang meron ilaw na nasa harap
Pinilit ko pa na ikabig yung auto na gamit kaso huli na ang lahat
Liwanag ng ilaw na sobrang lakas huli kong nasilayan bago tinanggap
Paggising ko sa ospital ni walang maalala bumungad sakin ang mukha
Sabi mo sakin ay hindi mo ba ko kilala? sitwasyon biglang lumalala
Tapos ay merong lumapit na nakaputi sinabihan akong mahiga
Kailangan daw muna na ipahinga katawan ko mula dun sa pagkabangga
Tapos eto tayo ngayon dalawang taon na nakalipas
Nagpapasalamat ako sayo sa pagtitiyaga mo sakin kahit mahirap
Salamat mahal sa pagpapaalala at pagbalik sakin sa wisyo
Naaalala ko na lahat at dalawang taon ka na ding wala dahil sa pagkakamali ko
Paumanhin, salamat, paalam

Written by:
Vijay Kurt Mamaed

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find