Diane de Mesa and sushi - Ikaw pa rin

Hinahanap ka ng puso
‘Sang saglit nang ikaw ay mawala
Di ako mapakali
Hirap nang makasanayan
Sa pagbungad ng umaga ay walang dampi ng yong halik

Oh bakit ba nagbabalik ka
Sa isip ko sa puso ko hindi ka nawawala (hindi ka nawawala)
Tamis ng yong halik higpit ng iyong yakap
Kailan ba masasanay na wala ka

Oh
Paano kung bigyan muli ng pagkakataon
Buhayin ang ating nakaraan
Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko
At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin oh oh

Di maitanggi sa sarili
Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita
Di mo ba nadarama
Di ko yata makakaya
Habang buhay ang isipin na may mahal ka nang iba

Oh kailan man ay nandirito ka
Sa isip ko sa puso ko hindi ka nawawala (hindi ka nawawala)
Tamis ng yong halik higpit ng iyong yakap
Kahit kailan ay di matatanggap na wala ka

Oh
Paano kung bigyan muli ng pagkakataon
Buhayin ang ating nakaraan
Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko
At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin (oh oh)

Kung ikaw ay magbabalik di ako magdadalawang-isip
Pag-ibig hanggang ngayon ikaw lamang at wala nang iba

Paano kung bigyan muli ng pagkakataon
Buhayin ang ating nakaraan
Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko
At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin (oh oh)

Written by:

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

Diane de Mesa and sushi

View Profile