The Marshland - Ina

Haplos ng pag-ibig
Lambing ng tinig
Mundo mo ay aking daigdig

Mukha'y pinagmasdan
Bisig mo aking inunan
Ligaya at kanlungan

Ikaw ang ugat
Lamang pinagmulan
Matayog kong pangarap
Ika'y sandigan

O inang sinisinta
Paraiso ko sa lupa
Pag-ibig na dakila
Likha ng Maykapal
O inang sinisinta
Paraiso kong tunay
Laging ipagpapasalamat
Ika'y sa akin binigay

Laging mananatili
Tanglaw ng iyong tala
Dito sa aking buhay
O ina aking sinisinta

Ikaw ang ugat
Lamang pinagmulan
Matayog kong pangarap
Ika'y sandigan

O inang sinisinta
Paraiso ko sa lupa
Pag-ibig na dakila
Likha ng Maykapal
O inang sinisinta
Paraiso kong tunay
Laging ipagpapasalamat
Ika'y sa akin binigay

Written by:
Raymund Marcaida

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

The Marshland

View Profile