Jo.e - Bihag Ng Kahapon

Ilang gabi pa ba iipunin mga patak ng luha
Ilang umaga pa uuliting magsimula

Tatawirin mga tulay
Nang ‘di magkasabay
Lalanguyin ang dagat
Na ‘di na hawak ang iyong kamay

Mapayapa na sanang lalampasin
Saan man patungo ang hangin
Salubungin ang bagong araw
Nang hindi man natatanaw
Sumunod sa agos ng panahon
Na ‘di na bihag ng kahapon

Ilang gabi pa ba bibilangin ang mga tala
Ilang umaga pa magugunita mga alaala

Mababasa ng ulan
Nang ‘di na magkaramay
Aantayin mga ngiti mo
Sa bawat tagumpay

Mapayapa na sanang lalampasin
Saan man patungo ang hangin
Salubungin ang bagong araw
Nang hindi man natatanaw
Sumunod sa agos ng panahon
Na ‘di na bihag ng kahapon

Layunin natin magkatagpo
Kahit mundo natin ay magbago

Written by:
Jessica Pineda Rodriguez, Jeffrey Yumol

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Bihag Ng Kahapon - Single Bihag Ng Kahapon - Single