In Between - Umasa Sa Wala

Nalilito, Nagtatanong
Paano ba nahulog
Nagtataka, Oh bakit ba
Sa tulad mo ako'y naging tanga
Ngumingiti bawat sandali
Sa tuwing pangalan mo'y naririnig
Ngunit ang lupit, sadyang kay pait
puso ko sayo'y naging sawi
'Di naman ako nanaginip
Oh 'di naman sinasadyang umibig
Minsan na nga lang magmahal ng ganito
'Di ka pa iibigin pabalik
Pagbigyan mo na itong nadarama
Ano ba ang dapat kong gawin nang ako'y iyong mahalin
Pakiusap ko na sana
Ibigay ka ni bathala
Nahihirapan na akong magpanggap na wala lang talaga
Oh may pag-asa ba
Noong una pa, alam mo ba
Sigaw ng puso ay ikaw na
Ngunit ika'y manhid, 'di mo ba batid
Ating nadarama ay iisa
Siguro nga ito ay huli na
Siguro nga mali ang mahalin ka pa
Oh bakit pa ba tayo pinagtagpo
Naguluhan, Ano nga ba ko sayo
Pagbigyan mo na itong nadarama
Ano ba ang dapat kong gawin nang ako'y iyong mahalin
Pakiusap ko na sana
Ibigay ka ni bathala
Nahihirapan na akong magpanggap na wala lang talaga
Oh may pag-asa ba
Bibitaw na sa 'ting dalawa
Oras na ngang palayain ka
Dahil pagod na pagod na akong magkunwari pa
Lunod na lunod na ako sa mga luhang
Wala namang patututunguhan
Pagbigyan mo na itong nadarama
Ano ba ang dapat kong gawin nang ako'y 'yong mahalin
Paki-usap ko na sana
Ibigay ka ni bathala
Nahihirapan na akong magpanggap
Pagbibigyan pa ba itong nadarama
O lahat nalang ay gagawin nang ikaw ay limutin
Masakit man para sakin
Bubulong na lang sa hangin
Ang pag-asa bang inilaan, naglaho at wala na talaga
Oh may pag-asa ba
Ako'y umasa pa
Umasa sa wala

Written by:
Patricia Lacuarin

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

In Between

In Between

View Profile