Ronnie Liang - Kaputol Ng Isang Awit

Hindi nagkakaiba simula ng ating buhay
Doon sa sulok ng daigdig na kapus sa kapalaran
Ang bawat araw na nagdaan ay di malimutan
Paghihirap ko'y madagdagan
Mayro'n kayang ibang paraang mabuhay

Kaya sa iba't ibang landas
Ako ay napadpad hangga't di ko nahahanap
Ano o sinong mayro'ng kapangyarihang baguhin
Kahit na lumipas at darating pang bukas

Minsan ako'y nakarinig
Isang maamong tinig mula sa aking dibdib
Sabi niya kapag ngiti sa puso'y nagbalik
Asahang mababago kinagisnang daigdig

Kapag ang puso mo'y natutong ngumiting muli
Madarama'y pananabik bawat sandali
Sakaling minsan pa sa'yo dumaan ang kalungkutan
Ang tangan mong pag-asa ang iyong lakas patungo sa hinihintay na bukas

Kaya sa iba't ibang landas
Ako ay napadpad hangga't di ko nahahanap
Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin
Kahit na lumipas at darating pang bukas

Nais ko lang ika'y tulungan
Katotohan iyong matagpuan

Minsan ako'y nakarinig
Isang maamong tinig mula sa'king dibdib
Sabi niya kapag ngiti sa puso'y nagbalik
Asahang mababago kinagisnang daigdig

Kaya sa iba't ibang landas
Ako ay napadpad hangga't di ko nahahanap
Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin
Kahit na lumipas at darating pang bukas

Minsan ako'y nakarinig
Isang maamong tinig mula sa aking dibdib
Sabi niya kapag ngiti sa puso'y nagbalik
At may tiwala sa kapangyarihang taglay ng pag-ibig
Asahan mong may himalang magaganap sa buhay mo't daigdig

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Ronnie Liang

Ronnie Liang

View Profile
May Minamahal May Minamahal