Nadine Lustre, Shehyee and Pio Balbuena - Sumayaw Sa Indak [From "Indak"]

Indak sumayaw sumabay ka sa agos
Gumalaw na parang araw ay hindi natatapos
Lumabas sa kadena ng mga pagkakagapos
Abutin ang pangarap isigaw hanggang sa mamaos

Hu ilabas yung malupit
Na parang hanging dumarating at humahagupit
Igalaw ang katawan na para ka lang nangungulit
Kapag napagod pahinga tapos sumayaw ka ulit

Sa kaliwa o sa kanan o kahit saan
Sa kanya ang mga harang nagagawan ng paraan
Taga-probinsya man lahat kayang galawan
Kahit anong entablado kayang-kayang sayawan
Basta walang ayawan lagi mong tatandaan
Nag-iisa lang ang puso na dapat pakinggan
Umindak gumalaw sige lang sumayaw
Sabay-sabay na sumigaw Luzon Visayas Mindanao

Umindak gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak oh
Indak oh
Indak oh
‘Wag kang bibitaw

Indak oh
Indak oh
Indak oh
Ikaw ay sumigaw

Nakakahiya
Bakit siya sumasayaw dyan sa gitna
Tignan n’yo itsura mukhang loyal sa sayaw
Pero nung gumalaw wow
Mga paa'y panay kaliwa
At marami pang ibang ‘di magandang salita ang
Mababasa sa komento kesyo
Ba’t sumayaw sa gitna ng tren ‘to
Walang kwenta pero ‘di nila alam ang kwento

Pauwi ako n’yan sa ‘min
Maghapong naghanap ng trabaho
Kung saan-saan ako nanggaling
Bumabyahe nang mapalapit sa malayo
Kaso ‘di ko naabot
Sa video na ‘yan ay malapit na ’ko umiyak
Pero biglang may nagpatugtog ng awit
At ang sabi'y sa kabiguan ay huwag masindak
Kaya ayon ako'y napaindak

Umindak gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak oh
Indak oh
Indak oh
‘Wag kang bibitaw

Indak oh
Indak oh
Indak oh
Ikaw ay sumigaw

Umindak gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak oh
Indak oh
Indak oh
‘Wag kang bibitaw

Indak oh
Indak oh
Indak oh
Ikaw ay sumigaw

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Nadine Lustre, Shehyee and Pio Balbuena

View Profile