Gerardo Reyes - LMLPD

LMLPD
Ngayon akoy lumilipad
Ngayon akoy lumilipad
Ngayon akoy lumilipad
Ngayon akoy lumilipad

Nakinig,sinapuso,sumabay,rumespeto
Nakiuso, mga tuso inalis sa proseso
Nakalimot, nagtrabaho ng sagad walang preno
Nilamig walang kumot, inulan ng pagsubok

Kinatam ng kinatam kahit ang sahod lang ay kusot
Tinamaan ng lungkot pero hindi rin to sumuko,
Sinakal ng orasan,higa sa kaulapan
Mas malinaw ang tingin ngayon saking harapan.

Maraming nakatingin pero walang paki
Kung di man mahalaga dapat isantabi
Kung meron pang konting labis ika'y magtabi
Kung kelangan pampagising higop ng kape

Bawat hakbang mong pasulong laging may babala
Kung hindi kumportable dun may mapapala
Kausapin may Likha sabihin "matsala"
Kung gusto mo Syang makita ay tumingila.

Ngayon akoy lumilipad
Ngayon akoy lumilipad
Ngayon akoy lumilipad
Ngayon akoy lumilipad

Bukas na ang isip na laging gala
Nilibot planeta ng nakahiga
Maraming napulot sa pagtulala
Resulta ng labis na pagtataka

Hilahin sarili sa pagkadapa
Marami mang beses wag kang madala
Iwasan mong laging nag aalala
Sulitin ang byahe wag magkumpara

Habang akoy lumilipad

Hihiga muna sa ulap
Susulitin ang paglapat
Pagibig na hinahanap
Magaan kang niyayakap

Hintayin ang paghupa
Bababa rin sa lupa
Pipikit na lang muna
Pipikit na lang muna.

Hihiga muna sa ulap
Susulitin ang paglapat
Pagibig na hinahanap
Magaan kang niyayakap

Hintayin ang paghupa
Bababa rin sa lupa
Pipikit na lang muna
Pipikit na lang muna.

Hintayin ang paghupa
Bababa rin sa lupa
Pipikit na lang muna
Pipikit na lang muna

Written by:
Gerardo Reyes

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Gerardo Reyes

Gerardo Reyes

View Profile