Iszon, Jerome Banaay, Icy D - La Lang (Cypher 1) (feat. Ash'D)

Trip-trip lang, wala 'kong magawa
Nandito na lahat, kayo na lang wala
Uy, kumusta sa mga miss ko?
Pasensya na kung laylow
Takits na lang sa dayoff
Yeah, kaso baka 'di makasama
Medyo kapos ngayon sa onda
Bawi na lang ako next time
Regalo sa inyo peace sign
Mamba out, bye bye, yeah
Kung inaakala niyo na madali
Teka pare, diyan ka nagkakamali
Ang hirap naman dito, sumobra pa sa bibo
Lika, kunin mo na trono ko
Joke lang, 'wag masyado mabilis
Kagagawa lang nito, 'wag mo ka'gad i-release
Pero sige na nga, gawin mo na 'yan
Antayin ko na lang, exciting pa naman
Lumayo ka sa'min kung ika'y may masamang balak
Tanging magandang enerhiya lang amin pinapalawak
Medyo matigas na 'to, 'di na to magpapawasak
Natutunan magmahal na ginagamit ko ang utak
Ma, pasensya na kung medyo matigas ang ulo
May mga pangarap na kaya kailangan pagpatuloy
Oo, 'lam ko naman na ako'y medyo suwail
Basta alam ko ito magdadala sa'tin ng mil
New song and new crib
All goods ang small hit
Malayo sa dating ako dala-dala spaceship
Cheesy na pastry, suot ay medyo cozy
Tuparin pangarap, dapat 'di na tayo lazy
Basic, ineenjoy natitira kong days
'Yung mga umaalis ay 'di na chine-chase
Dati ay nawala na rin ako sa malaking maze
Hinahanap sarili para 'di na maging same
Alas-syete ng gabi nang nasimulan namin 'to
Kasama sila Icy, Ash'D, ako pati rin si Iszon
Samahang parang sasabak sa rebolusyon
Ito lang kasi ang nakikita naming solusyon
Nababago sa nakasanayang ilusyon
Kaisipan natin na nagdudulot ng polusyon
Na dumadagdag sa ingay, payo pa itay
Na 'wag magmamadali, ikaw muna ay maghinay
'Di pa man nila pansin aking mga dinadaing
Madalas mang mahambing ito'y tuloy-tuloy pa rin
Kahit na anong pait, ito'y lalagpasin ko rin
Buhay man ang kapalit, puso ang aking susundin
Biglaan man ang naganap
Isipin lamang naunang hakbang ito patungo sa pangarap
Biglaan man ang naganap
Isipin lamang naunang hakbang ito patungo sa pangarap
May melodiya na naman sa aking isip
Habang ang lahat ay seryoso sa paligid
Piniling sa tabi na lang ay manahimik
'Di na hahayaang sa kalungkutan maipit
'Di na papalamang sa mga negatibo na laging nakaabang
Masyadong marami na akong pinapasan
Para pagtuunan ng utak na walang laman
Pero pero teka muna
Kailangan kumonekta para
Magmukhang masaya lang
'Di na kailangan pa na magbuga ng mga barang palaban
Pwede na kahit alin, tulog malambing
Basta may dating kahit pang-aning
Pasok ka pa rin basta pahinga muna sa linyang
Dulot ay kilig at pwede kang paiyakin

Written by:
Ashley Delos Reyes, Dominic Ignacio, Edison Tabat, Jerome Banaay

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Iszon, Jerome Banaay, Icy D

View Profile