Nonoy Zuniga - Doon Lang

Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Di 'sin sana'y mayron na akong dangal
Na ihaharap sa 'yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may ipagdiriwang

Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking inay ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng butuin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina
Doon lang

Kung di dahil sa barkada ay tapos ko na
Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga
Sa awitin kong ito mo lang madarama
Mga pangarap kong walang pangangamba

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng butuin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina
Doon lang

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng butuin (ng bituin)
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina doon lang (doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan)

Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina
Doon lang
Doon lang
Doon lang

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find