Nonoy Zuniga - Magandang Gabi

Ito na ang gabing hinihintay
Mga tagahanga ko'y nagdatingang lahat
Nanabik kong marinig inyong palakpak
Mayroong kaba sa aking dibdib
Pinapawisan pa ng tila malagkit
Ito ang dinaranas ko sa tuwing palabas

Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At kayo'y nagsidalo sa gabi ng palabas ko
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At tayo'y nagkaniig kahit konting sandali

Sa harap ninyo ay walang lungkot
Suliranin ko'y bigla ring nalilimot
Ngiti ninyo'y mabisa ngang gamot
Sa indak nitong musikang inaalay
Nararamdaman ko pintig ng inyong buhay
Bumibilis nag-iibang kulay

Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At kayo'y nagsidalo sa gabi ng palabas ko
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At tayo'y nagkaniig kahit konting sandali

Pag nagdilim na ang ilaw
Hinahanap pa rin kayo
Kung di dahil sa inyong lahat
Ako'y wala rito (ako'y wala rito)

Ito nga ang gabing hinihintay
Sana'y di magwakas sandaling nagniningning
Alay sa lahat ng dumating

Magandang gabi
Maraming salamat sa inyong lahat
Hanggang sa muling pagsasama (paparap)

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Nonoy Zuniga

Nonoy Zuniga

View Profile