Nonoy Zuniga - Mahawi Man Ang Ulap

Mahawi man ang ulap
Di mo matitiyak
Kung may malalabing bughaw
Ka pang matatanaw
At sa umaga't hapon ba'y may araw na sisikat
Sa gabi naman kaya'y may talang kikislap
Habang sinasariwa
Dati mong mga pangarap

Sundan ang bahaghari
Sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam
At pag napawi na ang sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang pusong
Bihag ng karimlan

Kayanin mong limutin
Luha ng nagdaan
Ba't mo pa iisipin
Ang dating sumpaan
'Sanlibo't 'sang kasawian
Pasan mo habang buhay
Kung di mo nginitian dinanas na lumbay
Ulap ay mahahawi
Kahit na paminsan-minsan

Sundan ang bahaghari
Sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam
At pag napawi na ang sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang puso
Muling sundan ang araw
Hawiin mo ang ulap ngayon

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Nonoy Zuniga

Nonoy Zuniga

View Profile