Nonoy Zuniga - Kamusta Ka

Kumusta ka ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka may ibang kislap ang iyong mata
Halata nang daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na nang totoo
Siya ba'y katulad ko nong tayong dalawa

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na ako ay nauutal
Walang masabi kung di kumusta ka

Tandang tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka ano bang dapat sabihin pa
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta mahal pa rin kita (mahal kita)

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na ako ay nauutal
Walang masabi kung di kumusta ka (kumusta ka)

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na ako ay nauutal
Walang masabi kung di kumusta ka (kumusta ka)

Kumusta ka di ka ba sa akin natatawa
Walang masabi kung di kumusta ka

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Nonoy Zuniga

Nonoy Zuniga

View Profile