Sam Concepcion - Ikot-Ikot

Heto na naman tayo
Parang kelan lang nang huli
Gaano man kalayo
Tayo'y pinagtatagpong muli
Ilang ulit nagkasakitan
Ngunit paulit na gumagaling
Ilang ulit balak na iwan
Ngunit patuloy na bumabalik

Kay rami nang sakit na
Nilimot napabayaan
'Di maiwasang isipin
Na tayo'y para bang tumatakbo

Sa walang hanggan na kalye tumatakbo
Ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang

Heto na naman tayo
Damdamin natin ay bumubugso
Tayo ay muling napaso
Pintig ng puso ay lumulusong
Bakit pa ba hinahayaan
Minsan inisip lumayo na lang
Ngunit hindi kita maiiwan
Mahal pa rin kita ngayon pa man

Kay rami nang sakit na
Nilimot napabayaan
'Di maiwasang isipin
Na tayo'y para bang tumatakbo

Sa walang hanggan na kalye tumatakbo (tumatakbo)
Ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang

Araw-araw dulo't-dulo
May unos na dumaratal
Ano nga bang puno't dulo
Bakit nagtatagal

Kay rami nang sakit
Na nilimot napabayaan
'Di maiwasang isipin
Na tayo'y para bang tumatakbo

Sa walang hanggan na kalye tumatakbo
Ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang ikot-ikot lang

Heto na naman tayo

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Sam Concepcion

Sam Concepcion

View Profile
Indak (Official Movie Soundtrack) Indak (Official Movie Soundtrack)