Sam Concepcion - Bukas Makalawa

Sadyang mapaglaro ang
Palad ko't tadhana
Puso'y napadpad sa'yo at
'Sinawalang-bahala

Ang mga tanong mga babala
Dagling binigay ko ang lahat
Kahit itong puso'y 'di handa
Ako ay umibig sapagka't
Ako'y susubok kahit 'di sigurado

Kung bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga
Hiram na sandali
Pa'no tayo bukas
Bukas makalawa

Sadyang mapaglaro ang
Takbo ng buhay natin
Baka kung kailan pa ako ay
Nahulog na't bawiin

Sa 'kin itong puso mong handa
Na ring binigay sa 'kin ang lahat
Ang mga tanong mga babala
Nanunumbalik sapagka't
Ako'y sumubok kahit 'di sigurado

Kung bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga
Hiram na sandali

Pa'no tayo bukas
Pa'no tayo bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga
Hiram na sandali
Pa'no tayo bukas
Bukas makalawa

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find