Patch Quiwa - Siya

Oo na
Hindi na ko mangungulit ng ulit ulit
Oo na
Hindi na ko magtatanong tungkol sa kanya

Kita naman na naiinis ka na
Alam ko naman
Tinitingnan ko lang kung
Anong sasabihin mo para pagtakpan na naman

Mahal mo pa ba ko
Sabihin mo na
Para di na tayo nahihirapan
Masaktan na kung masasaktan

Oo na
Halata naman
Kung paano mo sya tingnan
Ganun mo rin ako tingnan noon
Hindi na nga lang ganun ngayon

Oo na
Alam ko na
Ayoko lang sanang tanggapin na
Siya pa rin pala

Mahal mo pa ba ko
Sabihin mo na
Para di na tayo nahihirapan
Masaktan na kung masasaktan

Mahal mo pa ba ko
O takot ka lang mang iwan
Pero ang mas mahalagang tanong ay
Mahal mo pa ba siya

Pansamantalang ligaya
Sa piling nya tapos babalik ka
Namiss mo ba ang halik nya
Nagsawa sa nakasanayan
Kaya pilit binabalikan
Ang dapat kinalimutan

Paano mo natitiis na makita akong ganito

Mahal mo pa ba ko
Sabihin mo na
Para ako na lang ang lalayo
Nakakahiya naman sa inyo

Mahal mo pa ba ko
O takot ka lang mang iwan
Pero kahit sya pa rin ang mahal mo
Mamahalin pa rin kita sa malayo ho
Sa malayo ho
Oo na

Written by:

Publisher:
Lyrics © TUNECORE INC

Lyrics powered by Lyric Find

Patch Quiwa

View Profile
Siya - Single Siya - Single