Sharon Cuneta - Pati Ba Pintig Ng Puso

Ano ang hangganan
Ng dalawang pusong nagtagpo
Sumabay sa isa't isa
Nagpatangay sa di mapigil na pag-ibig

Paano ko susukatin
Kung ilan at hanggang saan
Ang abot ng pagmamahal
Ngayo'y gumugulo sa aking isipan

Pati pintig ng puso ko
Bawat ngiti bawat hikbi
Ngayon ay hawak mo
Bawat yugto ng buhay ko
Bawat hakbang bawat galaw
Ngayon ay tangan mo

Pagbilog pagliit ng buwan
Paglipas ng bawat araw
Iisa lang ang natatanaw
Walang iba kundi ikaw

Ano pa ang maaaring itago ko't
Ipagdamot ngayon
Mayroon pa bang
Nalalabing bahagi ng buhay kong mula sa iyo

Umaga at kadiliman
Nagsama at naging isa
Hindi ko na namalayang
Lahat sa buhay ko pala ngayo'y ikaw

Pati pintig ng puso ko
Bawat ngiti bawat hikbi
Ngayon ay hawak mo
Bawat yugto ng buhay ko
Bawat hakbang bawat galaw
Ngayon ay tangan mo

Ang tangi kong hinihiling
Ako'y laging mahalin
At sana'y ingatan mo
Baka tumitigil

Sana'y itago mo
Baka maglaho
Pati pintig ng puso kong sumasamba
Nagmamahal sa iyo

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Sharon Cuneta

Sharon Cuneta

View Profile