Patch Quiwa - Dalangin
Hindi ko alam kung bakit naguguluhan pa rin
Di lang siguro makapaniwalang masaya na ko ngayon
Nasanay akong puro pinapakinggan masasakit na awitin
Pamilyar kasi sa akin ang pakiramdam
Ngayon handa na kong tanggapin masaya ako kaya iaawit ko
Ikaw ang sagot sa dalangin ko binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon kaya ko nang isipin di naman pala ganon kasama ang mundo
Dahil meron itong ikaw
Titigilan ko nang paghanap ng sakit sa maliliit na bagay
Tinuruan mo akong maniwalang karapat-dapat akong maging masaya
Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon kaya ko nang isipin di naman pala ganon kasama ang mundo
Dahil meron itong ikaw ikaw ikaw
Ikaw ang sumagip sa akin nagawang languyin ang lakas ng alon ng isip
Di ka nagpahagip sa tinagal-tagal nauso masasakit na kanta
Paminsan-minsan awitin natin ligayang pinagkaloob sa atin
Ikaw ang sayang pinagkaloob sakin
Ikaw ang sagot sa dalangin ko hindi na bibitawan
Ikaw ang sagot sa dalangin ko binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon kaya ko nang isipin di naman pala ganon kasama ang mundo (whoah)
Dahil meron itong ikaw
Written by:
Publisher:
Lyrics © TUNECORE INC, TuneCore Inc.
Lyrics powered by Lyric Find