The Marshland - Harinawa

Sa paglubog ng araw sa abot-tanaw
Babalutin ng dilim ang paligid
Tila maglalaho ang kulay ng buhay
Huwag kang mababalisa
'Di ka nag iisa

Pagkupas ng liwanag sa abot-tanaw
Kagitingan mo'y magsisilbing tanglaw
Haharapin ang bawat hamon ng buhay
Huwag kang mababalisa
'Di ka nag iisa

Harinawa
Magwawakas din ang pagdarahop
At ang paghihikahos
Harinawa
Muling masisilayan ang araw
Sa bagong umaga
Kumapit ka sa palad ko
Haharapin, pagsubok at bagyo
Harinawa
Matatamo ang dulo ng mundo

Sa panahong wala ng bukas
Na matatanaw
Pagmasdan ang mga tala sa langit
Kumakandili sa'ting diwa at isip
Huwag kang mangangamba
'Di ka nag iisa

Harinawa
Magwawakas din ang pagdarahop
At ang paghihikahos
Harinawa
Muling masisilayan ang araw
Sa bagong umaga
Kumapit ka sa palad ko
Haharapin, pagsubok at bagyo
Harinawa
Matatamo ang dulo ng

Mundong walang katiyakan
Buhayin ang lakas ng sarili
Magtiwala sa pag asa
'Di ka nag iisa

Harinawa
Magwawakas din ang paghihikahos
Harinawa
Masisilayan ang bagong umaga
Kumapit ka sa palad ko
Haharapin, pagsubok at bagyo
Harinawa
Matatamo ang dulo ng mundo
Harinawa
Matatamo ang dulo ng mundo

Written by:
John Stephen Cadeliña

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

The Marshland

View Profile