Caleb Santos - Mahirap Magselos
Mahirap magselos ng ‘di naman kayo
Tingin ka ng tingin ‘di ka pinapansin
Ngunit nariyan ka pa rin umaasang lingunin
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo
Mahirap umasang pangarap ay ikaw
Dinadaan-daanan lang ‘di ka nakikita
Bakit nariyan ka pa rin lungkot-lungkutan ang dating
Nangangarap ng gising na ikaw ay maangkin
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo
Bakit ganito kung sinong mahal mo ‘di ka pinapansin
Bitaw na tama na ng iyong mapansin
May nagseselos din pala sayo
Sana’y matauhan lumingon sa iba
Iyong makikita may nagpapapansin
Muntik mong di makita dahil abala
Sa pagseselos mo sa sinta ng iba
May nagseselos din sa’yo buti ‘yong nakita
Nagkatagpong mga tingin nagkita at napansin
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo
Simula na ‘to di na mang-aangkin kung ‘di naman akin
Tigil na gising na mayroong darating
Na para sa’yo na magmamahal sa’yo
Na nagseselos din pala sayo
Bakit ganito kung sinong mahal mo ‘di ka pinapansin
Bitaw na tama na ng iyong mapansin
Nagseselos s’ya sayo umaasang maging kayo
Sana nga maging kayo dahil pwede ng magselos
Kapag kayo
Written by:
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find