This Band - No Label

Laging magkausap
Kung minsan magkahawak ng kamay
'Pag tayo'y magkasabay
Palaging sinasama sa lakad ng barkada
Ang gulo hay ano na ba'ng lagay

Sa araw-araw 'di malinaw kung ikaw ba'y nanliligaw
Napakalabo kapag 'di mo sasabihin ang gusto
Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin ha
Para 'di na 'ko umasa kung magiging tayo ba

Ako ba'y gusto mo o isa lang ako
Sa mga pinapaa-paasa mo oh
Bakit 'di sabihin ang tunay na hangarin
Kung laro lang sige 'wag na ako

Ayaw ko na isipin pa na ika'y kapiling
Nabuo na lahat sa isip ko
Na balang araw manliligaw ka na rin para luminaw
Pero malabo kapag 'di mo sasabihin ang gusto

Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin ha
Para 'di na 'ko umasa kung magiging tayo ba
Ako ba'y gusto mo o isa lang ako
Sa mga pinapaa-paasa mo oh

Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin ha
Para 'di na 'ko umaasa
Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin ha
Para 'di na 'ko umasa kung magiging tayo ba (magiging tayo ba)

Ako ba'y gusto mo o isa lang ako
Sa mga pinapaa-paasa mo oh

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

This Band

This Band

View Profile