Ebe Dancel - Maligalig

Ayaw pang matulog ng gabi sa kama kong walang silbi
Ang umaga’y para bang kay layo-layo pa
Bumabagal ang ikot ng mundo habang bumibilis naman ang takbo
Ng utak kong gumugulong-gulong

Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang kawawa kong pusong maligalig
Maligalig

Utak ko’y parang sampung tv iba’t-ibang istasyon na tabi-tabi
Ako ay drama at comedy ako ay araw at gabi
Kumakanta’t umiindak may maalala lang biglang iiyak
Parang napapagod na ko sa mundo

Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang kawawa kong pusong maligalig
Maligalig

Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang kawawa kong pusong
Pinagpapasahan ng tuwa at nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang kawawa kong pusong maligalig
Maligalig maligalig
Maligalig

Dahil ang tanging nais lamang ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang dahil ang tanging nais lamang

Written by:
VINCENT FERDINAND DANCEL

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Ebe Dancel

Ebe Dancel

View Profile