Gary Valenciano - Natutulog Ba Ang Diyos [Rebirth]

Oh
Bakit kaya
Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa pilitin ka ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang diyos natutulog ba

Ba't ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan
Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
Natutulog ba ang diyos natutulog ba

Sikapin mo pilitin mo

Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Dapat nga ba
Na ikaw ay maghintay
At himukin pa pilitin ka ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala
Sa maykapal
Nakahanda ang diyos
Umalalay sa iyo
Hinihintay ka lang kaibigan

Sikapin mo pilitin mo

Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Written by:
RANDY THOMAS, ROBERT MASON CARLISLE

Publisher:
Lyrics © Universal Music Publishing Group, Capitol CMG Publishing, MEIS MUSIC GROUP LLC

Lyrics powered by Lyric Find