Mikee Misalucha - Uyayi
Tulog na munting sanggol
Tumabi na’t yumapos
Ipikit ang ‘yong mata
‘Wag matakot
‘Wag mangamba
Pakinggan ang tinig ko
Itong uyayi’y para sa ‘yo
Sa gabing malamig ika’y yakap-yakap
Ng isang anghel na nahulog sa lupa
Mga mata niyang munti
Sa gabi’y ngumingiti
Sa mundong mapanglaw siya’y nagbigay-ilaw
Sa masakit na bukas ay siyang tanging lunas
Dalisay ang kanyang ngiti
Siya lamang ang tinatangi
Sa gabing malamig siya’y umaawit
Parang anghel na iniwan ng langit
Mga mata niyang munti
Sa gabi’y nagmamasid
Aking ilaw, siya’y nasilaw
Sa kadiliman ng buwan siya ay naligaw
Takot ang nanaig sa pusong inagaw
Sa gabing malamig ika’y yakap-yakap
Ng isang anghel na nahulog sa lupa
Mga mata niyang munti
Sa gabi’y ngumingiti
Sa mundong mabagsik siya ay sinilang
Mga puti na buwan ang siyang tanging kanlungan
Mga mata niyang itim
Maghahasik na ng lagim
Aking ilaw, siya’y nasilaw
Sa kadiliman ng buwan ika’y naligaw
Takot ang nanaig sa pusong inagaw
Ngunit ang pag-ibig ang siya ng halimaw
Ang kadiliman ng mundo ay tanging ikaw
Written by:
Mikee Misalucha, Karlo Maglasang
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find