Jolina Magdangal, Trina Belamide and Musiko Para Kay Leni Robredo - Kumilos At Manalangin (Ipanalo Natin 'To)

Kaliwa't kanang kasinungalingan
Abuso ng kapangyarihan
Prinsipyong naipagpapalit sa kayamanan

Paano nga ba natin lalabanan
Ganitong uri ng kadiliman
Nakapanlulumo
Paano na bayan ko

Ngunit masdan ang nangyayari ngayon
Sa malawakang mga pagtitipon
Lahat nagkakaisa sa hangarin na
Kabutihan ang manaig

Pagkilos at panalangin
Ang magtatawid sa atin
Huwag tayong susuko
Ipanalo natin 'to

Kumilos at manalangin
At laging alalahaning
Para sa atin 'to bawat Pilipino
Kaya't ipanalo natin ipanalo natin 'to

Armado ng katotohanan
Sugod lang mga kaibigan
Sambayanan ay namumulat sa liwanag
Ng pamumunong tapat

Pagmasdan ang nangyayari ngayon
Sa malawakang mga pagtitipon
Lahat nagkakaisa sa hangarin na
Kabutihan ang manaig

Pagkilos at panalangin (pagkilos at panalangin)
Ang magtatawid sa atin (magtatawid sa atin)
Huwag tayong susuko
Ipanalo natin 'to

Kumilos at manalangin (kumilos at manalangin)
At laging alalahaning (at laging alalahaning)
Para sa atin 'to bawat Pilipino
Kaya't ipanalo natin 'to

Diyos Amang makapangyarihan
'Di niya tayo pababayaan
Sa ating paglalakbay
Tungo sa tagumpay

Pagkilos at panalangin (pagkilos at panalangin)
Ang magtatawid sa atin (magtatawid sa atin)
Huwag tayong susuko (huwag tayong susuko)
Ipanalo natin 'to (ipanalo natin 'to)

Kumilos at manalangin (kumilos at panalangin)
At laging alalahaning (laging alalahaning)
Para sa atin 'to (bawat Pilipino)
Kaya't ipanalo natin (ipanalo natin 'to)

Para sa atin 'to bawat Pilipino
Kaya't ipanalo natin
Ipanalo natin 'to

Written by:
KATRINA BELAMIDE

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

Jolina Magdangal, Trina Belamide and Musiko Para Kay Leni Robredo

View Profile
Kumilos At Manalangin (Ipanalo Natin 'To) - Single Kumilos At Manalangin (Ipanalo Natin 'To) - Single