Ex Battalion, Emcee Rhenn, Flow G, King Badger and Honcho - Bullet Sun

Hintayin na lang ang pagkakataon
Okay lang naman kahit 'di man ngayon
At 'di ako mapapagod maghintay
Kasi alam ko darating balang araw

At balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
At balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
At balang araw, balang araw
Magiging sa 'kin ka na din, wala nang kaagaw
At balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

'Di man tayo sa ngayon, pero alam kong darating
Ang asam kong panahon na ako ay mahalin
Mapapansin mo rin ang pagtingin ko
Sorry na kung minsan para na ‘kong weirdo
Minamasdan ko, gagawin mo sa malayo, paghakbang mo
Umaasa na magaganap ang mga himala
Nalimutan na ang takot na baka walang mapala
Basta't tanging mahalaga alalayan mo't madapa
Hanggang ang maging ang maramdaman
Pag-ibig ko'y madapa dahil nga

At balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
At balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
Balang araw, at balang araw
Balang araw, balang araw
Magiging sa 'kin ka na din, wala nang kaagaw
At balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

'Di ko rin alam kung papa'no
Matutupad lahat ng aking mga plano
Pwedeng magbago, (pwede ba) pwedeng alisin
Pero ang ating pangako (pa'no), tuloy pa rin
Sa 'yo pa rin bibigkasin, sa ‘yo pa rin
Ibubulong ko sa 'yo pa rin
At laging dalhin kahit saan pa man makarating
Ang laging hinihiling kaya ngayong pagdating
Alanganin man at mali, hihintayin ko
Sadyang bilog ang mundo ooh
Magaganap ang gusto ooh
Naniniwala ako, balang araw darating din mga babaeng
Alam kong lahat gagawin at tutuparin

At balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
(Sana balang araw)
Balang araw, balang araw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
At balang araw, balang araw
Magiging sa 'kin ka na din, wala nang kaagaw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

At ‘di mababago kasi umaapaw 'yung pakiramdam
May mas masarap pa sa oras nang ninanakaw
At araw-araw nakatutok, lumubog ang araw
Para sa gabi mag-abang, humiling
Kasi sa dilim lang may bulalakaw
Ginawa ko na libangan nang 'di mainip
Alam ko at sigurado ako na sa akin ka pa rin mapapalapit
At ang tanong ko, kung matagalan ikaw kapalit, sa 'yo makakahalik
Kaya ko pa magtiis kahit ilang taon pa ulit
Nasanay din akong tumingala
Wala na rin namang mawawala
Katuparan ang hinanap ko 'di himala
‘Yun ang ginawa nang ginawa
Kaya nandito ka na, 'di 'to base sa bilis
'Di ko namalayan, nandito na pala

At balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
(hindi na balang araw)
Balang araw, balang araw
(hindi na balang araw)
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
(kasi nangyari na, nagyari na, nangyari na)
At balang araw, balang araw
Magiging sa 'kin ka na din, wala nang kaagaw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

Heto ang pagkakataon
Okay na kasama ka na dito ngayon
Buti 'di ako nagsawang maghintay
Sa wakas natupad ang dating balang araw

At balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
At balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
At balang araw, balang araw
Magiging sa 'kin ka na din, wala nang kaagaw
At balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

Written by:
Mark Maglasang, Archie dela Cruz, Jon Gutierrez, Rhenn Mangabang

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Ex Battalion, Emcee Rhenn, Flow G, King Badger and Honcho

View Profile