Music by M.A.T - Hibla ng Tadhana (feat. Kimberly De Guzman & Josh Sanchez)

Sa 'di sinasadyang pagkakataon
Landas nating dalawa'y pinagtagpo
Sa una kong tingin sa 'yong mga mata
Kaligayahan ang aking nadama

Kahit na anong pagsubok ang dumating
Kailan man ay 'di magbabagong pagtingin

Hibla ng tadhana
Sana'y ikaw na nga
Kahit langit at lupa'ng pagitan
Kahit 'sang milyong patak ng ulan
Ay aking tutumbasan
Makapiling ka sa habang buhay

At kahit umabot pa'ng isang daang taon
Pag-ibig ko sa 'yo ay 'di magbabago
Yakap at halik 'pag naaalala ka
Kaligayahan ang aking nadama

May tahanan ka sa pusong iyong inangkin
Ngiti sa 'yong mga mata'y tanging hiling

Hibla ng tadhana
Sana'y ikaw na nga
Kahit langit at lupa'ng pagitan
Kahit 'sang milyong patak ng ulan
Ay aking tutumbasan
Makapiling ka sa habang buhay

Di makapaniwala ikaw ang tinadhana
Ng Maykapal para sa akin
Patuloy na maghihintay
Kahit pa habang buhay
Sa tulay ng 'yong damdamin

Hibla ng tadhana
Sana'y ikaw na nga
Kahit langit at lupang pagitan
Kahit 'sang milyong patak ng ulan
Ay aking tutumbasan
Makapiling ka lang

Kahit langit at lupang pagitan
Kahit 'sang milyong patak ng ulan
Hibla ng tadhana
Sana'y ikaw na nga
Ang aking hinihintay
Makapiling ka sa habang buhay

Written by:
Arthur Tadiaman

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Music by M.A.T

View Profile