Eccentric - Bat

Yeah ohh
May bagong bisita sa aking pagtulog
May patalim na imahe nakatutok
Tila bangungot
'Yokong sariling apoy ang saakin tumupok
Nasa langit na ba ko?
Biglang bulusok
Kakaiwas makatapak ng bubog
Sarili binuo at aking pinulot
Bakit nga ba ko ganto ano ang dulot?
Laging lang merong simula wala ng dulo
Pasakit, hapdi na sakin humubog
Kapag lumaban ay nakahanda na mandurog

Tingala tapos paa sa lupa nakaapak
Gigil sa mundo ay hirap maawat
Kaakibat ang sarili mula nung aking mapatawad
Pinapagaan ang mga pasan na nasa likuran nakatarak
Sana'y mga katulad ko ay aking mahanap (yeah)

Simoy ng aking dugo ay pinapalaganap
Sana matagpuan niyo rin ako tagal ko na kayong sinasagap
Laging sabi sa sarili na karapat dapat
Tibayan ang loob kamay sa dibdib na parang habang tinataas watawat
(Yeah)

Nakakasabik lang siguro dahil 'di ko pa hawak
Nais ko lang din ay mas mapalawak
Dahil sawa na nga 'tong malulong sa sariling isip ay makulong
Na parang sa tahanan na 'di mapunasan ang mga patak na nagmula sa bubong

Pinapatunayang 'di patapon
Hanggang pagkakataon ay 'di lang kada bagong taon na mapapatalon
At mahihirapan nalang tumalon dahil sa bigat ng bulsa ng pantalon
Ahh bitch, ahh bihh.. oh
Sasabog ang isip kakahiling diyan sa balon
Dinadagdagan ang mga sagot para lang makabawas sa tanong
(Oh bitch yeah ohh)

Written by:
Chris Adrian Cellan

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Eccentric

Eccentric

View Profile