Seth Emmanuelle - Pangako

Sa isang tingin, ako'y nabighani
Sa isang ngiti, nahulog sa lalim ng iyong ganda
'Di makapaniwalang nandito na
Sa isang tibok nitong puso ko
Napasaiyo akong buong-buo
At ngayon, patungo sa habangbuhay
Ito ang aking inaalay
Ikaw ang uunahin, araw at gabi
Ikaw ang iisipin sa bawat sandali
Ikaw ang tanging minamahal
Ika'y sagot sa aking dasal kaya
Narito ako, para sa 'yo
Ito ang aking pangako
Hawakan ang aking kamay
Sa 'yong ligaya at lumbay
Ako'y iyong sandalan
Ako'y iyong kapitan
Iyong kasama kailanman
Tag-init man o tag-ulan
Sa payapa, sa gulo
Asahan mo ako
Ikaw ang uunahin, araw at gabi
Ikaw ang iisipin sa bawat sandali
Ikaw ang tanging minamahal
Ika'y sagot sa aking dasal kaya
Narito ako, para sa 'yo
Pangako
'Di ka iiwan
'Di pababayaan
Pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan
Ikaw ang uunahin, araw at gabi
Ikaw ang iisipin sa bawat sandali
Ikaw ang tanging minamahal
Ika'y sagot sa aking dasal
Sa iyong piling, araw at gabi
Ako'y mananatili sa bawat sandali
Salamat at 'yong minahal
Sinagot mo ang aking dasal kaya
Narito ako, para sa 'yo
Pangako

Written by:
Seth Emmanuelle Maderal

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid, Sony/ATV Music Publishing LLC, Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Seth Emmanuelle

View Profile