Trisha Denise - Seryoso

Nung una pa lamang kitang nakita

Maraming bagay na hindi ko inakala

Alam kong hindi naman yan sa itsura

Pero galawan mo'y nakakapagtaka

Ang daming lumalapit para makasama ka

Pero ang sabi mo'y ako na nga

Ang tanging hinahanap, ninanais mo

At wala na ngang iba



Chorus:

Hala?!?!

Nananaginip ba?!?!

Nasanay na ako sa maling akala

Wala na kong panahon na maglaro pa

Sabi mo nama'y malinis ang konsensiya

Aaminin kong hindi naniniwala

Pero sa tingin ko ay seryoso ka

(Seryoso)

Sa tingin ko ay seryoso ka

(Seryoso ka)





Verse 2:

Ayoko sa manloloko

Wag mong sayangin ang oras ko

Damdami'y pinapakita mo

At mukhang seryoso ka



Rap:

Pasensya na

Nakasanayan na

Sa dulo ng pag-ibig

Ako'y iiwang mag-isa

Di ko inakalang darating ka pa

Na sasagip sa kalungkutan kong nadarama

Madali na lang magpakilig

Minsan nga'y nakakamanhid

Bitaw ng bitaw ng mga salita

Pag kailangan mo na'y di naman nakinig

Pero sa'yo

Bakit parang may iba?

Lagi kitang kasama't

Pangako mo'y tinutupad mo pa





Chorus:

Hala?!?!

Nananaginip ba?!?!

Nasanay na ako sa maling akala

Wala na kong panahon na maglaro pa

Sabi mo nama'y malinis ang konsensiya

Aaminin kong hindi naniniwala

Pero sa tingin ko ay seryoso ka



(Instrumental)



Outro:

Wala na kong panahon na maglaro pa

Alam kong malinis ang iyong konsensiya

Aaminin ko'ng ako'y naniniwala

Dahil alam kong seryoso ka

Written by:
Trisha Denise

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Trisha Denise

Trisha Denise

View Profile
Simula Ng Wakas - EP Simula Ng Wakas - EP