Trisha Denise - Simula Ng Wakas

Verse 1:

Araw-araw na lang

Paulit-ulit ang mga katanungan

Hindi ba ako sapat

Para iwanan nila?

Hanggang kailan ba?



Chorus 1:

Bubuhos ang aking mga luha?

Para bang nag-iisa

Wala na bang tunay na magmamahal sa akin?

Kay dami kong bigat na dinadala

Oh, kay pait na

Kailan nga ba darating ang simula ng wakas?



Verse 2:

Di makapaniwala na makikilala pa kita

Di ko inaasahang

Ikaw pala ang aking tadhana

Di ko inaakala na maririnig pa ang mga salitang iyong sinabi



Chorus 2:

Pupunasan ko ang iyong mga luha't

Di ka na mag-iisa pagkat ikaw lang ang aking mamahalin

Ibigay mo sa kin ang dinadala

Ang pait at bigat

Pagkat ito na ang simula ng wakas



Bridge:

Lahat ng panalangin ko

Sa'yo pala patungo

Bawat katanungan ko ay may kasagutan na

Nasa king harapan na

Hindi ka man ang unang nakilala ko

Ikaw pala ang mamahalin ko sa huli



Chorus 3:

Pangakong di ka na muling luluha't

Di pababayaang mag-isa

Pagkat ikaw lang ang aking mamahalin

Pinunasan mo ang aking mga luha't

Hindi na ko nag-iisa

Pagkat ikaw na ang tunay na nagmahal sa akin

Binigay ko na lahat ng dinadala

Ang pait at bigat

Pagkat ito na ang simula ng wakas

Pagkat ikaw na ang simula ng wakas

Written by:
Trisha Denise

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Trisha Denise

Trisha Denise

View Profile
Simula Ng Wakas - EP Simula Ng Wakas - EP