Freddie Aguilar - Rosas

Rosas ang katulad mo namumukod sa hardin
Ang iyong kabanguhan pinapangarap maangkin
Buhat ng makita ka 'di na kita malimutan
Sa aking pag-iisa laging laman ng isipan

Kailan mo mapapansin pag-ibig kong inaalay
Sana ay pagbigyan mo ang puso kung naghihintay
Nais kong malaman mo na ang pagibig ko'y tunay
Kung ako'y mabibigo aanhin pa itong buhay

Giliw sabihin mo
Na ako'y iyong mahal
Ako'y ibigin mo
Habang nabubuhay

Nais kong malaman mo na ang pag-ibig ko'y tunay
Kung ako'y mabibigo aanhin pa itong buhay
Giliw sabihin mo na ako'y iyong mahal
Ako'y ibigin mo habang nabubuhay

Rosas ang katulad mo namumukod sa hardin
Ang iyong kabanguhan pinapangarap maangkin

Written by:
Alvaro Fuentes Ibarz, Amaya Montero Saldias, Haritz Garde Fernandez, Pablo Benegas Urabayen, Xabier San Martin Beldarrain

Publisher:
Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Lyrics powered by Lyric Find