DMajors - Pangarap

Malayo ang paglalakbay,
Sa pagtakbo ika'y sanay di mo na nga mawaring
Sa iyo'y di na makasabay,
Pansin mo ba ang paghinto ako'y may sasabihin
Kung may patutunguhan ang oras mo'y ibibigay
Kung may kabuluhan ang bawat tonong inaalay
Di kailangang bitawan , Di na puwedeng ipagsabay
Sa ngayo'y di mo kailangang hawakan ang aking kamay
Mundo mo'y nilisan , Lahat ng tinuran,
Hahayaan na lamang, ang puwang dito sa puso
Sapat na ang minsang puso'y nasilayan
Bibigay Kalayaan, kung kapalit nito'y pangarap mo
Ohu who Aha huwow

Balanga raw tanaw na din
Ang gusto mo na marating kahit di na kasali
Medalya na nagniningning
Patuloy mo na abutin ako na ang pipili
Kung may patutunguhan ang oras mo'y ibibigay
Kung may kabuluhan ang bawat tonong inaalay
Di kailangang bitawan di na puwedeng ipagsabay
Sa ngayo'y di mo kailangang hawakan ang aking kamay
Mundo mo'y nilisan , Lahat ng tinuran,
Hahayaan na lamang, ang puwang dito sa puso
Sapat na ang minsang puso'y nasilayan
Bibigay Kalayaan, kung kapalit nito'y pangarap mo o-who
Aha huwow

Alam kong makakatagpo ka ng para sa iyo
Ng taong yayapos din sa bagay na gusto mo
Ngunit sa ngayon ito na lang ang nais ko
Pagibig na nag uunahin ay ang puso ko

Napagod ako, Ang sabi ko dati hindi ako bibitaw
Pero parang ako na lang kasi ang kumakapit
Ahahuwaw Ahahuwaw
Kapalit nito'y pangarap mo

Written by:
Alethia Andaleon, Don Lubiano

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

DMajors

View Profile