Hope Filipino Worship - Hilumin
Sa kahinaan ay Ikaw ang kalakasan
Hesus, pag-ibig Mo'y panghahawakan
Nasa 'Yong mga kamay ang kagalingan
Wala ng alinlangan kailanman
Sa'Yo lamang nakatuon
Panginoon, hilumin Mo
Ang puso kong lumalapit sa'Yo
Tumatawag sa Ngalan Mo
Mananalig sa Iyo
Sa buhay ko'y maghari Ka
Isang tinig Mo lang dulot ay pag-asa
Pahupain bawat takot na nadarama
Yakapin Mo ako ng buong higpit
Yakapin Mo ng 'Yong pag-ibig
Sa'yo lamang nakatuon
Sa'yo lamang nakatuon
Maghari Ka sa bawat pusong naririto
Bigyang papuri't parangal ang ngalan Mo
Maghari Ka sa habang panahon
Hesus, Ikaw ang Diyos
Written by:
Ferniña Villanueva, Lorepee Yparraguirre, Maybelline Cañeda
Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics powered by Lyric Find