Deno - Bratatat (feat. L.A Crew)

8th Milez
Pa-paunang bungad ng mga makatang pangdurog na di nyo na
Kaya na mapigilan na't tigilan ang mga pamumuna
Magtawag ka pa ng mga pinagmamalaki mong pwedeng panapat sa'kin
Sisiguruhin kong tagpas ang mga lumagpas sa guhit namin
Rrrraaahhhhh!!!
Teka teka mala TeccaNina ko na ginawa toh habang nasa pila
Mga pa-bida kala mo 'di na babalik yung mga dati nang halang ang mga bituka
Pag kame tumugma sigurado na may bu-bula-bulagta
Sa mga babala na inihanda
Di ka na makapalag kapag bumangga ka
Ta-ta-ta-ta-tongue twist to, eto ang papawis ko!
Di-di-di-dikdikan to sa mga "Rap"-ratan niyo
LA CREW!!!
Halika sa aming mundo,
Tinawid ko mula Quezon City matangay lang pati mga hudyo
Pinapasabay ko pati multo para ma-ipabalitang tagilid ka
Puro mahihinang walang mga bilang di kagaya naming pamatay na
Sa mga tugmaang lirikal sa palatuntunang pinakabanal
Basag ka sa mga banatan na ganito pinaka matalinhaga na imortal
Pinaka walanghiya dina mapigilan ang mga pinakawalan ko na mga kataga
Kung di ba naman g*go yung mga demonyo samin pa napili na bumangga
NGA-NGAAAAAAAA!!!
Malamang sa malamang alamang na alamang na naman lahat ang mga binitaw niyo
Ni wala ngang nakatama samin napahanga lahat kayo pati alagad mo
HANGAAAAAAALLLLL!!!
Dapat lang ibitin ng patiwarik ang mga animal
8th Milez L.A CREW kami mga twisterong mga pusakal!
WAAAAAAHHHH!!!
Den-O
Ano bang akala mo? di ko makakaya yung mga ganito?
Puwes muli kong papatunayan hawak ang katibayan ko
Pwe! Sige saluhin mo itong dura
kahit na mga labi ko ay mamutla
Binura sa isip ang mga kutya
Binuga sa init ng mga tugma
Maubusan man ako ng laway,
Siguradong nagkalatay, tituladong mga bara'y
Tinugma ko at sinanay, binarako nakahanay,
Inararo mga anay, isinako at kinatay,
Kahit na limitado man sa bahay, Imbitado naka-away!
Nilampaso, nakaratay mga plastic ugh!!!
Pag pumitik ang dila di makailag sa mga masakit
Kahit pa ako'y pumikit ay tila naka-lutang ka sa mga tulang kinabit
Magkadikit ang mga linya lumilipad pag pumilantik
Malupit ang bawat sipa't tira lumiliyab muling bumalik!
Nakakapanabik mga pangatnig, kasabay ng banat ang pantig!
Pamatay ang bawat pagsambit, talsik pagkalabit ng paltik!
Malutong pa sa tustang bagnet, maupo ka jan muna saglet, naku po pag nagkakasaltik,
Malubog sa taglay kong bagsik!
Pilitin mong habulin, mga lirikong matulin,
'La kong balak na akuin, mga barang tatapusin,
Kahit na ako'y hapuin, ay laging papasukin,
Handa ko nang sakupin, makalaban lalamunin.
Banat kakabisaduhin,
Balak pa akong hamunin,
'Wag niyo na akong takutin,
kasi kayang pagulungin,
Sagupain hambalusin,
Katawan ay babalutin.
Ang dugo niyo paghaluin,
Para sa aking inumin!!!
'Di ko naman dapat patunayan ang bawat mga linya
Makinig ka dito sa mga salita sa gitna handang ipakita,
Kasi kung tatanungin ba 'ko para lang alukin ang mga tao
Na mabilib kahit na papano at makinig saking mga bago!
Pagka't pangarap ko lang namang ipakita sa lahat na hindi mapapasuko ang puso ko sapagkat
Sa paglubog ako'y hinubog hangga't, nasunog ang balat madugo ang pag angat, basta't mabuo ang aklat at
'Di ko alinlangan malipasan man ako ng panahon,
Malabong maiwanan kasama sa kamatayan
Ito ay kayamanan ko mula pa noon
Ang mga tanong na nakabaon
Wala man akong datong sa pantalon,
Magkakapatong ang dala sa kahon
Saking pagtalon simulan na ngayon!!!
Eto na!
Ano bang basehan para tawaging batikan?
Mga kataga na ginawa ay pakinggan
Tila mga patalim sino ba ang magaling?
Baguhan? datihan, katanungan balikan!
Kasagutan sa ilan tong awit ko,
Walang mga bilang ang lait mo,
Ginagamit na liriko,
Lehitimo, piliin ihain mga pain nang makain ko!
Bago matapos lalong umagos
Naghilom mga pasa ko at galos!
Noon naigapos, mo ko at halos
Mga dugo mahilamos
Yapak ng paa o hakbang ng sapatos
Mga na-una at dating namaos,
Ay laging tutularan sa langarang pakapalan ng mukha, teka lang di pa pala ko nagpapakilala ng maayos!
HA-HA! Ako si Den-O!
Juan Makata
Teka pasintabi muna baka masamid, Kabig pluma, bala pamatid,
Magkakalampagan ang mga laman kapag lumabag, gapang bago tumawid
Biglang usbong mga animal pero talagang wack literal pota!
Pag hinimay sablay lirikal, palpak talamak, puro lang boka
'Di ko malaman kung bakit ang daming sumasalamin
Sa patalim pero yung talas di makasugat ng diwang matalim
'Di kailangang magmalalim para mahanay ang husay at maibukod
Kung pano mo saktan ang isip at kaluluwa gamit sulat mong nakabuod
At hanggang sa mapaluhod ang tuhod mapagod ang isip, maparalisa
Sakupin ang kamalayan ng pagkadismaya't balutin ng pagkabalisa
Ganyan dapat humarap at, kumagat banat, ngumarat pa
Ako yung magpapa alalang di porket nawala na laos na!
Wala kong dapat patunayan subalit hamakin ako ay di dapat
Sapagkat naipakita ko na ang kaibahan ko dito pa lang sa pang labing apat
Pano ba yan 'di pa ko tapos di pa makakaraos ang utak sa panibugho
Hayaan mong dalhin kita sa mundo ng matira matibay, bungo sa bungo!
L.A Crew inangat ang layag, sagwan muli pahalang
Malawak ang karagatan at may karapatan lahat makipag sapalaran
Pero di porket nakipag sapalaran ay may karapatan na sa karagatan
Oo malawak ang "Hip-Hop" pero di para sa nagpapa-angatan
Di na ko magtataka bakit, ang daming basura bigla sa daan
Imahe bigla na pumangit, hindi na magkasya sa basurahan
Akala mo di nakisabit, pero di matago mabahong laman
Nawa ang mahabaging langit, gabayan ako saking kapusukan
'Di na makubli yung mga pinagsasabi nyong di kami yung dahilan
Para masulsi ang daan ng ilan, di nailang sinabi pang kabilang
Sa mga lehitimo sino ginago mo lintik, mga teknik ko buo di nyo na forte to yung elemento
Gloc at Tech!
Puro lang mga pilosopo, halata namang mga wierdo pati sulat weak!
Talagang wala nang kapag-a-pag asa kasi puro may saltik
Tama na ilusyon di pa ba sapat yung mga narinig mong panunumbat
Mga paksa kong dinilig para katha tumuwid, lawak mala lambat!
Bukas ang isip at diwa nang sa ganon maliwanagan na tanging pakay ko lang naman malaman nilang hindi ko
Kinabiliban mga nag astang matikas sa bagong tipan
Dito sa lupain ng mga haragan, at tanging nalawayan laman ng mga tunay na panday ng musika ang may karapatan
'Di pa ko tapos, makinig ka sakin para malaman na kaen mga nakisawsaw
Makikita mo ang tunay na kaibahan naming nakalagan sa kanila na puro lamang ngaw-ngaw
Talagang punit ang kalasag kaya aminadong nabaon at nabuwag
At ikaw din marahil ang makakapag sabi na di pa kapon an b*yag
Patapos na ko mangaral sa aking imahinasyon na silid
Mag takdang aralin ay habulin habang may sikat ika'y magdilig
Pero malamang di uubra, lam mo na kung sinong tutumba!
Kahit naman bigyan ko ng partida mga berso nyo sunog na
Kulang pa sa mga sangkap at sahog, laman na makabuluhan
Na kapag sinuma ang kabuohan alam mo na meron nang karanasan
Kaya wag nang magpilit pilit pa, magpalakas muna mga superstar
Bumalik ka sa klase baka matutunan mong bumitaw ng tamang bar!

Written by:
Jayson Lopez, Lean Delamida, Raymus Salamera

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find