Music by M.A.T - Himala Ng Pasko (feat. Kimberly De Guzman)

Bawat tao ay may hiling
Sa tuwing pagsapit ng pasko
Ngiti at tawa ng mga musmos
Batid ang ligayang nadarama

Ngunit sa paglisan mo
Nawalan ng kislap ang mga parol
Bakas ng init ng 'yong paglalambing
Sandata ko paglamig ng gabi

Ang tanging hiling ko
Pagdating ng pasko
Liwanag ng tala sa langit nawa'y
Gabayang ang puso mo
Sa pagbabalik
Yan ang himala ng pasko

Aanhin ang magarang regalo
Kung wala ka sa piling ko
Hanap hanap ka ng puso ko
Ikaw Lang ang nais ngayong pasko

Ngunit sa paglisan mo
Nawalan ng kislap ang mga parol
Damhin ang Init ng iyong pag-ibig
Sundan ang liwanag ng iyong Bituin

Ang tanging hiling ko
Pagdating ng pasko
Liwanag ng tala sa langit nawa'y
Gabayang ang puso mo
Sa pagbabalik
Yan ang himala ng pasko

Diba ang diwa ng pasko
Ay pagmamahalan sa isa't isa
Maaari ba nating gawing pasko
Ang bawat araw ng buong taon

Pagkat ang tanging hiling ko
Pagdating ng pasko
Liwanag ng tala sa langit nawa'y
Gabayang ang puso mo
Sa pagbabalik mo,
Yan ang himala ng pasko
Ikaw ang himala ng pasko

Written by:
Perfecto Tadiaman

Publisher:
Lyrics © O/B/O DistroKid

Lyrics powered by Lyric Find

Music by M.A.T

View Profile