KOLATERAL, BLKD and Kartell'em - Boy

Boy ano basketball
Neknek mo gabi na
Bakit duwag ka

Sarap ng tulog ko so peaceful
May sumipa sa pinto may dalang mga pistol
Cops wanna pop us like we're pimples
But we're people repeat the ritual
Kahit handang sumuko pinutok agad
Pagkatutok 'yon ang utos ng pinuno
Mga naka-all black pati masks

Pasensya na kung naka-olaps nanghoholdap talaga
Naglalakad na nag-sosocial media na tanga
Pagka-like ng pic tinutukan ko ng ice pick
Napaihi sa mata amin na relo mong init sa mata
Sabi niya kuya kakabili ko lang kanina
I don't give a fuck akin na

Pamilya ko walang kakainin kanin na inuulam sa asin
Bigay mo na bago kita sapakin
Pagkapera 'lam ko na agad ang gagawin
Doon sa 'di mahangin mata lakas-titig na

O kaya'y mantritrip kakaiba kalas-buo ng mga makina
'Yung pader ng kapitbahay laging humaharang sa akin ha
Tulog na rin sila pwede 'tong wasakin na
S'yempre pagkapasok gamit n'yo ay akin na

Watchlist at hitlist nasa isang pahina
Nakahiga't basa na sa pula
Huli kong panaginip 'yun pala
One by one ko lang naiwan sa ina
One by one lang naiwan ko 'tang ina

Hoy boy alam mo ba usap-usapan sa 'min
'Wag pakalat-kalat baka damputin ka sa ilalim
Mahirap na 'pag napuwing ka
'Wag kang kakaba-kaba baka mauling ka

Kala mo lotto kung mamili ng panalo
Tumbang preso ang laro ika'y pamato
Sabi ko sa 'yo 'wag kang pakalat-kalat d'yan
Kasi 'pag sinumpong ang kupal baka mapaglaruan

Kapit sa patalim
Galaw pailalim
Umaasang maitawid
Ang gutom ko gabi-gabi

Kayod-kalabaw
'Di baleng ako'y uhaw
Sardinas laman ng plato
Kahit dami nang ampao ang naipon

Madumi palad pero malinis paglikom
Baka nagkamali ka lang
Naku hindi po
Ako 'yon biglang nagtikom ang labi
Nagising katabi ko ginawang hipon

Bakit sa dami-dami
Tanong ko lagi bakit
Mag-ingat sa pagduro ang nuno dilat palagi
Pulot-pukyutan ng hudas mga sabik humarit
Ako 'yung pawis pero parang sila 'yung nakagamit

Narinig ko 'yung sirena
Naku and'yan na sila
Nakasuot nga ng asul
Pero may mantsa ng pula
'Di mo ba ako kilala
Alyas Silva nga pala
Tinapon lang sa Pasay
Pero sa impyerno dinala

'Tang inang pulis ano ang aking kasalanan
'Wag n'yo nga 'kong bino-boy mayro'n akong pangalan
Bakit 'yung iba napakilala nang husto
'Di man lang ginalang ang aking pagiging tao

Alyas mata nga ika daw nang inyo na tawagin
Dahil nakatungo at masama tumingin
Edad kwarenta'y singko tulad ng iyong baril
Kaya pinutok kasi 'di agad nagpasiil

Ano ba'ng hawak n'yong pruweba laban sa 'kin
Kung aking boses sa inyo'y pagsisinungaling
'Di naman manlalaban wala 'kong patalim
Bakit ba ang hilig n'yo mantrip d'yan sa madilim

Ni magnakaw nga 'di ko kayang sikmurain
Sa tingin n'yo ba na kaya ko iyong gawin
Namalik-mata hindi mo na akalain
Kasalanan na pala mapagkamalang adik

'Di ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog
Porket sa lansangan lang lumaki at nahubog
Bakit pinapatay pwede naman na ikulong ang salot sa bayan
Nasa'n na ba'ng katarungan

Sa ngayon ang hustisya ay nabibili
Aking buhay sa inyo ko pa lilimusin
Alipustahin papaslangin n'yo lang ang taumbayan
'Di ba kayo binabayaran

Boom shock attack tatlong boy na batak
Na raw ang natutumba ng mga kupal na parak
Sa may amin sa linggo baka raw pagkalito
Ani Kap mukhang nakatumbok sa akin 'to

Animo eenie meenie minie mo ang bira
Mga may alyas na iisa inisa-isa
Basta ba't matuluyan tunay na nakalista
Damay-damay na kahit pa walang matira

Tira-tirang pagkain sira-sirang tirahan
May takot pang tirahin ng mga siga-sigaan
Gawa-gawang hidwaan dagdag sa mga pasakit
Tulak ng kahirapan kaya napapagamit

Bakit trabahong atang sa 'min kakayanin ba
Ng puyat gutom na katawan upang mainda
Hindi naman sa pagpapalusot
Kabuhayan nga patayan na patayan pa sagot

Kamalian ba'y maitatama ng kamalian
Mga mamamatay-adik adik sa kapangyarihan
Bullet sa listahan cash sa sobre
Timbangan ng batas nawawala na sa korte

Wala nang posas-posas
Dapat ka bang matodas
Namamasada lang naman nang beinte-kwatro oras

Sobra na sila kailangan nang mag-alsa
Balutan ng mag-anak malayo sa pangamba


Written by:
MARK ALLEN

Publisher:
Lyrics © Spirit Music Group, Kobalt Music Publishing Ltd.

Lyrics powered by Lyric Find

KOLATERAL, BLKD and Kartell'em

View Profile