Mark Carpio - Tampuhan

Sino nga ba sa'ting dalawa
Ang aamin na mali
O ang tigas walang imik
Naghihintayan sa wala

Lumilipas ang panahon
Nagtitiisan at tahimik
Ang tigas walang imik
Nag hihintayan sa wala

Ano pa ba'ng hinihintay
Ang bukas ay matamlay
Nais na marinig
Ang yo'ng tinig

Kaya't huwag ka ng mainis sakin
At sana ako ay dinggin
Na huwag ka namang magtampo sana'y
Pansinin mo ang aking lambing

Sana nama'y huwag tiisin
At muli ng ngumiti
Halika na at yakapin
Huwag na sana'ng patagalin

Sa paglipas ng panahon
Lalo lamang lumalalim
Ang pag-ibig ko sa iyo
Sana'y muli pang tanggapin

'Di na kayang maghintay
Ako'y tumatamlay
Nais ko ng marinig
Ang iyong tinig

Kaya't huwag ka ng mainis sakin
At sana ako ay dinggin
Na huwag ka namang magtampo sana'y
Pansinin mo ang aking lambing

Kahit na ano pa yan ay handa ko'ng gawin
Makamit ko lang ang tamis ng iyong halik
Hanggang kailan kaya ako maghihintay (hanggang kailan kaya ako maghihintay)
Sana ay mayakap kang muli

Kaya't huwag ka ng mainis sakin
At sana ako ay dinggin
Na huwag ka namang magtampo sana'y
Pansinin mo ang aking lambing

Kaya't huwag ka ng mainis sakin
At sana ako ay dinggin
Na huwag ka namang magtampo sana'y
Pansinin mo ang aking lambing

Written by:
ANTHONY CARPIO

Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Mark Carpio

Mark Carpio

View Profile
Hiling Hiling