Nonoy Zuniga - Kay Tagal

Madaling sabihin bumalik sa kahapon
Kung ang tingin mo sa bukas ay katulad ng ngayon
At wala nang pag-asang magbibigay
Ng bagong bukang-liwayway

Huwag mo nang tangisan binaliwalang usapan
Mayron pa namang ibang nagmamahal sa iyo
Hindi ko lang masabing kita'y mahal
Handang magbigay ng dangal

Kay tagal ko nang hinihintay
Buhay nati'y magkaugnay
Lahat sa iyo'y iaalay
Kay tagal ko nang nagdarasal
Nagbabakasakaling ikaw
Ay mapasakin balang araw
Kay tagal

Madaling maawa sa aping-api na kapwa
Mahirap ang umibig nang wagas
Muling buksan ang puso subukan mo
Pagmamahal ko sa iyo

Kay tagal ko nang hinihintay
Buhay nati'y magkaugnay
Lahat sa iyo'y iaalay
Kay tagal ko nang nagdarasal
Nagbabakasakaling ikaw
Ay mapasakin balang araw
Kay tagal kay tagal na

Kay tagal ko nang hinihintay
Buhay nati'y magkaugnay
Lahat sa iyo'y iaalay
Kay tagal ko nang nagdarasal
Nagbabakasakaling ikaw
Ay mapasakin balang araw

Kay tagal ko nang hinihintay
Buhay nati'y magkaugnay
Lahat sa iyo'y iaalay
Kay tagal ko nang nagdarasal
Nagbabakasakaling ikaw

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Nonoy Zuniga

Nonoy Zuniga

View Profile