Soapdish - Di Na Bale

Gusto ko sanang sumama pero parang ayaw mo
Kanina ka pa 'di kumikibo
Gusto ko lang naman kasi makasama ka parang dati
Nung tayong dalawa 'yung magkatabi

Ilang beses kong sinabi na nagsisi na ako
Pero parang lalong gumugulo
Naiinis ka na yata eh anong magagawa
Ayokong mapunta ka sa iba

Bigla mong naisip na hindi mo na ako gusto
Bigla kong naisip na kailangan ko ang yakap mo
'Di na bale walang mangyayari sa ganito
Uuwi na lang ako sa amin
Wala ng kulay wala ng buhay ang mundo
Uuwi na lang ako

Ayokong nakikita may kasama kang lalaki
Umiinom sa tabi-tabi
Ako'y nahihirapan at ako'y nasasaktan
Baka pa pwede pang pag-usapan

Lahat ng sabihin ko'y hindi mo na pinakikinggan
Anong nangyari sa pag-ibig na walang hanggan
'Di na bale walang mangyayari sa ganito
Uuwi na lang ako sa amin
Wala ng kulay wala ng buhay ang mundo
Uuwi na lang ako

'Di na bale walang mangyayari sa ganito
Uuwi na lang ako sa amin
Wala ng kulay wala ng buhay ang mundo
Uuwi na lang ako

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Soapdish

Soapdish

View Profile