Soapdish - Sinehan

Lumang sinehan
Naaalala ko pa ang maduduming upuan
Kasama nga kitang umakyat sa buwan
Naghabulan

Oo nga't kay saya
Kasama nga kita at may pagkaing dala
Sabay patay ng ilaw sa'yong mata ah

Isip pa ako ng isip kung pa'no sasabihin sa'yo
Mundong nananaginip at pusong litong-lito
Sa umpisa pa lang ng eksena ay tutok na tutok ka na
Pa'no mapapansin ang damdamin

Nanlalamig kong kamay
Nananalangin na hawakan mo
O kahit kaunting akbay
Sabay bukas ng ilaw nako patay ah

Isip ako ng isip kung pa'no sasabihin sa'yo
Mundong nananaginip at pusong litong-lito
Hanggang sa natapos na ang pelikula
'Di ko pa rin napadama
Sa ibang lugar na lang sana
O 'wag na

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Soapdish

Soapdish

View Profile