Janine Teñoso - Umibig Muli

Nangangamba
Yakap ang bawat sandali
Wala ka na sa 'king tabi
'Di ko maiwasang manlamig

Nagtataka
Kay bilis lumipas ng dati
Noon may ganang umibig
Ngayon hindi ka na sa 'kin nakatingin

Inisiip na lang
Na lahat ng sakit ay may dahilan oh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya oh
Ako ay mag-isa at masaya ka sa iba
Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli

Bakit kaya
Lahat ng ito'y nangyayari
'Di mapigilang humikbi
Gaano katagal magtitiis

Tumingala
Kahit gulong-gulo ang isip
'Di maiwasang pumikit
At isuko ang sakit sa langit oh

Iniisip na lang
Na lahat ng bakit ay may kasagutan oh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya oh
Ako ay mag-isa at masaya ka sa iba
Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli oh

Ngingiti na lang
Lahat ng sakit ay may dahilan

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Janine Teñoso

Janine Teñoso

View Profile