Janine Teñoso - Tag-Araw

Ikot ng mundo tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit

Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon ang kanyang pag-gising

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw

Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik

Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw

Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay (ah)

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw (ah)
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw (ah)

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw (tag-araw)
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Ng tag-araw ng tag-araw

Written by:

Publisher:
Lyrics © Sentric Music

Lyrics powered by Lyric Find

Janine Teñoso

Janine Teñoso

View Profile