Bad New Days and Seh Dela Peña - Hawak

At nang oras ng mata'y nakamulat
Inabot na ako ng bagong pagsikat
Pilit kitang inaalis sa isipan
Oh pero walang pinatutunguhan

Ang tinig mo'y aking napakinggan oh oh oh
Sobrang kaba ang aking nararamdaman

Oh ito ba ay kasalanan
Pag-ibig ko'y di mapigilan
Hindi kita kayang iwanan
Kahit ipagpilitan

Gusto ko na sanang lumisan
At harapin ang kalungkutan
Oh dadalhin hanggang libingan
Oh hawak mo ang aking puso

Ang bawat oras ay napapabagal
Ang iyong ngiti ay nakakasagabal
Unti-unti ko nang natututunan
Ang kay ganda mong mukha ay huwag nang titigan

Kung magtama ang ating mata oh oh oh
Sobrang kaba ang aking nadarama

Ako lang bang may kasalanan
Pag-ibig ko'y di mapigilan
Hindi kita kayang iwanan
Kahit ipagpilitan

Gusto ko na sanang lumisan
At harapin ang kalungkutan
Oh dadalhin hanggang libingan
Oh hawak mo ang aking puso

Mabait ka lang ba o sadyang mapanukso
Oh hindi mo ba alam kung anong hirap ito
Di mo na kailangang siya ay ipakilala
Damdamin ko'y binabalahura

Oh aking kasalanan
Pag-ibig ko'y di pinigilan
Hindi kita kayang iwanan
Kahit ipagpilitan

Gustong-gusto ko nang lumisan
At harapin ang kalungkutan
Oh dadalhin hanggang libingan
Hawak ang durog kong puso

Written by:
ROSAURO GARCIA

Publisher:
Lyrics © Songtrust Ave

Lyrics powered by Lyric Find

Bad New Days and Seh Dela Peña

View Profile