Magnus Haven - Kapalmuks
Sa aming bayan may naghahari-harian
Susme mga arogante't sisiga-sigaan
Mga hunyango kapag kailangan
Sila ang dahilan kung ba't gutom ang karamihan
'Pag nagsalita sila hangin ang laman
Mga pangakong nakakasuya pakinggan
Akala mo sila'y tagapagligtas na santo
Pero sinasamba nila'y nasa impyerno
Hoy alam n'yo kung sino kayo
Ang kapal ng apog nyo (mga kapalmuks)
Mahiya kayo bakit ang yayabang n'yo
Diyos-diyosan kayo dito sa bayan ko
Sa aming bayan peke lang ang kalayaan
Ang batas ay para lang sa may pera't kapangyarihan
Kapag may pumalag sa kalokohan
Siguradong siya ay paglalamayan
Hoy alam n'yo kung sino kayo
Ang kapal ng apog nyo (mga kapalmuks)
Mahiya kayo bakit ang yayabang n'yo
Diyos-diyosan kayo dito sa bayan ko
Mga palad na nakabukas nag-aantay ng padulas
Sa halagang 500 isang libo pataas
Ang mga kabataan binebenta'ng dangal at karapatan
Sa bayan kong sinilangan mura lang ang kapangyarihan
Sa mga kurakot mga hayop na walang katakut-takot
Na binubulsa ang yaman na pinagpaguran
Ng taong bayan kumakayod para lang 'di malipasan
Mga walang silbi ang kakapal ng inyong mukha
Mahiya kayo bakit ang yayabang n'yo
Diyos-diyosan kayo dito sa bayan ko
Oh oh oh oh (oh oh oh oh)
Kawawang bayan na ginawang gatasan ng mga ganid at magnanakaw (oh)
Paano uusad kung ang yama'y tuloy-tuloy sa bulsa ng punong kurakot (oh)
Na sanay na sanay gahasai't simutin ang kaban ng bayan (oh)
Hoy mga buhay pa kayo pero sinusunog na kayo (oh)
Mga kapalmuks (oh)
Kapalmuks kapalmuks (oh)
Kapalmuks kapalmuks (oh)
Kapalmuks kapalmuks (oh)
Kapalmuks (oh)
Written by:
Publisher:
Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.
Lyrics powered by Lyric Find