Rice Lucido - Ang Nawawala
Sa dinami-dami ng mga pangarap
Ano nga ba ang dapat kong bitawan
Ang unos ba'y kalaban o kaibigan
Sa panahon ng pagkakalilanlan
Sa dagat ay iisa
Sa lupa ay nag-iisa
Sa langit ay nakatingala
At sa hangin ang pagkawala
Sa bawat taon ng paghihintay
Marahil ang buhay ay lumipas at bumigay
Sa kapit ng tawag at pagsumamo
Ang tanging hiling ay ang makamtan ko
Sa dagat ay iisa
Sa lupa ay nag-iisa
Sa langit ay nakatingala
At sa hangin ang pagkawala
Sa kabila nang lahat nais ang katahimikan
Ano nga ba ang dapat kong bitawan
Sa mundong ibinigay at pinagpala
Sama-sama tayong tumingala
Written by:
Rice Lucido
Publisher:
Lyrics © Sentric Music
Lyrics powered by Lyric Find