Freddie Aguilar - Luzviminda

Ikaw ay nagtiwala ng buong puso
Sa kanyang mga pangako
Tamis ng kanyang dila ay pinakinggan
Akala mo ay totoo
Ang 'ginanti niya sa pag-ibig mo
Ay puro pagbabalatkayo

Oh Luzviminda gumising ka na
Huwag mong sirain ang iyong mundo
Gising na gising na gising na
Tumanaw ka sa iyong paligid
At ng maglinaw ang iyong mga mata
Ngayon na ang tamang oras

Oh Luzviminda huwag ka ng maghintay pa
Ikilos mo ang iyong mga kamay
Ihakbang mo ang iyong mga paa
Oh Luzviminda gumising ka na
Huwag mong sirain ang iyong mundo
Gising na gising na gising na

Oh gising na Luzviminda
Ikaw ay di nag-iisa
Ikilos mo ang iyong mga kamay
Ihakbang mo ang iyong mga paa
Oh Luzviminda gumising ka na
Huwag mong sirain ang iyong mundo
Gising na gising na gising na

Kailan ka magigising
Oh Luzviminda tanggapin mo ang totoo
Huwag ka na magbulag-bulagan pa
Hindi na siya magbabago
Ginagawa ka niyang laruan
Pinapaikot-ikot ang iyong ulo
Oh Luzviminda gumising ka na
Huwag mong sirain ang iyong mundo
Gising na gising na gising na

Oh gising na Luzviminda
Ikaw ay di nag-iisa
Ginagawa ka niyang laruan
Pinapaikot-ikot ang iyong ulo
Oh Luzviminda gumising ka na
Huwag mong sirain ang iyong mundo
Gising na gising na gising na
Oh gising na Luzviminda
Ikaw ay di nag-iisa
Oh oh gising na

Written by:
CALVIN GAINES, BEYONCE KNOWLES, ROB FUSARI, BILL LEE, FALONTE MOORE, FALONTE D MOORE

Publisher:
Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC, Royalty Network, Warner Chappell Music, Inc.

Lyrics powered by Lyric Find

Freddie Aguilar

Freddie Aguilar

View Profile
The Legends Series: Freddie Aguilar The Legends Series: Freddie Aguilar